Huwebes, Setyembre 7, 2017

Tayo'y Mamasyal sa Bulkang Mayon

Tayo'y Mamasyal sa Bulkang Mayon
Isinulat ni: Nessielyn Montoya
   
   Bata pa lamang tayo, mga magagandang tanawin ang hanap natin. Nag iisip tayo kung saan may magagandang pasyalan. Minsan nag "sesearch" pa tayo ng mga magagandang lugar, gusto natin ay sa ibang bansa, pero bakit pa tayo lalayo kung meron naman sa ating bansa. Hindi na tayo gagastos ng malaki at sisiguraduhin kong mag eenjoy at sulit ang bakasyon niyo.
Bulkang Mayon, para sa akin napakaganda sa lugar na ito, doon mo makikita ang Bulkang Mayon na hugis kona. Napakaganda ng mga tanawin doon. Maraming dumadayo na turista, mga galing ibang bansa. Nagkaroon kami ng pagkakataon na magfamily bonding at doon namin naisipang magbakasyon. Papunta pa lang kami ay napakarami na ng kuha naminv litrato. Hindi kami mapakali kasi gustong gusto na naming makarating. Gusto kong bumalik doon kasama ang mga kaibigan ko para makita din nila ang magagandang tanawin doon. Sinulit namin ang bondingan namin kasi talagang sulit pag nakarating doon, ang sarap ulit-ulitin.

Wag na kayong mangarap sa ibang bansa dahil sa sarili pa lamang nating bansa ay napakarami ng magagandang tanawin isa na rito ang Bulkang Mayon. Hindi na kayo mag-iisip ng gagastusin dahil bukod sa makakatipid kayo maiisama niyo pa ang inyong mga kapamilya at iba pang kamag-anak niyo.