Tayo'y Mamasyal sa Bulkang Mayon
Isinulat ni: Nessielyn Montoya
Bulkang Mayon, para sa akin napakaganda sa lugar na ito,
doon mo makikita ang Bulkang Mayon na hugis kona. Napakaganda ng mga tanawin
doon. Maraming dumadayo na turista, mga galing ibang bansa. Nagkaroon kami ng
pagkakataon na magfamily bonding at doon namin naisipang magbakasyon. Papunta
pa lang kami ay napakarami na ng kuha naminv litrato. Hindi kami mapakali kasi gustong
gusto na naming makarating. Gusto kong bumalik doon kasama ang mga kaibigan ko
para makita din nila ang magagandang tanawin doon. Sinulit namin ang bondingan
namin kasi talagang sulit pag nakarating doon, ang sarap ulit-ulitin.
Wag na kayong mangarap sa ibang bansa dahil sa sarili pa
lamang nating bansa ay napakarami ng magagandang tanawin isa na rito ang
Bulkang Mayon. Hindi na kayo mag-iisip ng gagastusin dahil bukod sa makakatipid
kayo maiisama niyo pa ang inyong mga kapamilya at iba pang kamag-anak niyo.